Nagpapaanak ng isang malusog na sanggol si Shalena na isang komadrona (midwife), habang katulong ang kanyang mister. Subalit baog ang maybahay dahil tatlong beses nakunan. Ang kanyang asawa, gusto pa ring magkaanak kaya pumayag si misis na maghanap sila ng pangalawang asawa ni Bangas-An na maaaring magbigay sa kanya ng anak.
Naging tatak na ng multi-awarded, world-class director na si Mendoza to perfectly, yet naturally, frame panoramic views in his film. Ang malawak na dagat at iba pang yaman ng Inang Kalikasan ay umalalay sa mga pintig ng puso at takbo ng pag-iisip ng mga pangunahing tauhan sa magandang kuwento ng 'Thy Womb.' Subalit ang laging inaabangan sa mga obra ni Mendoza ay kung paano niya epektibong napapagalaw ang kanyang mga artista. Sa kabuuan ng 'Thy Womb,' ang impresyong dulot ni La Aunor ay doon talaga siya ipinanganak sa Tawi-Tawi, doon na rin nagka-asawa at naging masipag at matiising maybahay na Badjao.
Kahit walang masyadong dialogue sa 'Thy Womb,' ang mga kilos nina Aunor at Roco ay lubhang natural. Ang mga nanonood, tila nakialam lang sa buhay nila.
Pati ang mga paghimas ng kamay at galaw ng mga daliri ng aktres, nadarama ang marubdob na damdamin. Kulang na lang pati mga kuko niya mag-emote! Kahit maraming madulang tagpo, kahit katiting na hysterical moment, wala. Talagang parang mga usisero lang kaming lahat sa isang pribado pero madulang buhay.
Marami rin malalaking eksena sa 'Thy Womb,' kaya’t malaki rin ang budget nito. Kahanga-hanga ang wedding scene, ang araw ng palengke na ang paninda ay nasa bangka, at ang parada sa dagat ng makukulay na vinta.
Kung minsan, naipakita rin ang karahasan sa dagat ng Tawi-Tawi, sa pagitan ng mga bahay na nakatayo sa tubig. Naghahabulan ang mga armadong sundalo at marahil ang mga rebelde. Meron ding pangkat ng mga pirata na naging biktima sina Shalena at Bangas-An.
Medyo nagulat kami sa eksena ng pagtatalik nina Aunor at Roco. Farewell performance nila ito sa kama, sa gabing bago magpakasal kay Mersila (Lovi Poe) si Bangas-An. Bigay na bigay si Bembol pero ang La Aunor passive ang expression sa mukha dahil mapupunta sa ibang babae ang kanyang mister.
Marami pang sorpresang napanood sa 'Thy Womb' na dapat kayo na ang tumuklas sa darating na 2012 Metro Manila Film Festival, simula sa Pasko.
Noon hindi kumpleto ang career ng mga artista kapag hindi nakagawa ng pelikula kina Lino Brocka at Ishmael Bernal. Ngayon hindi pa ganap ang pagka-artista kapag hindi pa naidirek sa pelikula ni Brillante Mendoza. (ERNIE PECHO, Philippine Star)
Naging tatak na ng multi-awarded, world-class director na si Mendoza to perfectly, yet naturally, frame panoramic views in his film. Ang malawak na dagat at iba pang yaman ng Inang Kalikasan ay umalalay sa mga pintig ng puso at takbo ng pag-iisip ng mga pangunahing tauhan sa magandang kuwento ng 'Thy Womb.' Subalit ang laging inaabangan sa mga obra ni Mendoza ay kung paano niya epektibong napapagalaw ang kanyang mga artista. Sa kabuuan ng 'Thy Womb,' ang impresyong dulot ni La Aunor ay doon talaga siya ipinanganak sa Tawi-Tawi, doon na rin nagka-asawa at naging masipag at matiising maybahay na Badjao.
Kahit walang masyadong dialogue sa 'Thy Womb,' ang mga kilos nina Aunor at Roco ay lubhang natural. Ang mga nanonood, tila nakialam lang sa buhay nila.
Pati ang mga paghimas ng kamay at galaw ng mga daliri ng aktres, nadarama ang marubdob na damdamin. Kulang na lang pati mga kuko niya mag-emote! Kahit maraming madulang tagpo, kahit katiting na hysterical moment, wala. Talagang parang mga usisero lang kaming lahat sa isang pribado pero madulang buhay.
Kung minsan, naipakita rin ang karahasan sa dagat ng Tawi-Tawi, sa pagitan ng mga bahay na nakatayo sa tubig. Naghahabulan ang mga armadong sundalo at marahil ang mga rebelde. Meron ding pangkat ng mga pirata na naging biktima sina Shalena at Bangas-An.
Medyo nagulat kami sa eksena ng pagtatalik nina Aunor at Roco. Farewell performance nila ito sa kama, sa gabing bago magpakasal kay Mersila (Lovi Poe) si Bangas-An. Bigay na bigay si Bembol pero ang La Aunor passive ang expression sa mukha dahil mapupunta sa ibang babae ang kanyang mister.
Marami pang sorpresang napanood sa 'Thy Womb' na dapat kayo na ang tumuklas sa darating na 2012 Metro Manila Film Festival, simula sa Pasko.
Noon hindi kumpleto ang career ng mga artista kapag hindi nakagawa ng pelikula kina Lino Brocka at Ishmael Bernal. Ngayon hindi pa ganap ang pagka-artista kapag hindi pa naidirek sa pelikula ni Brillante Mendoza. (ERNIE PECHO, Philippine Star)
No comments:
Post a Comment